
Tumaas ng 28 percent ang naitalang bilang ng sunog sa Pilipinas sa unang quarter ng 2026, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Batay sa datos ng BFP, umabot sa 4,092 ang fire incidents ngayong taon, higit na mataas kung ihahambing sa 3,184 sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa kabila nito, bumaba naman ng 18 percent ang bilang ng mga nasawi dahil sa sunog, kung saan mula sa 122 ay bumaba ito sa 100.
Naitala rin ang pagbaba sa halaga ng pinsala sa sunog, na bumaba ng 19.28 percent o katumbas ng P2.15 bilyon sa unang tatlong linggo ng 2026.
Ayon sa BFP, nananatiling pangunahing sanhi ng sunog ang electrical wiring, pumapangalawa ang open flame incidents, habang ang ikatlo naman ay ang embers at sparks.
Samantala, sa Metro Manila, bumaba ng 20 percent ang insidente ng sunog, ngunit tumaas ng 34 percent ang kabuuang pinsala, na umabot sa P681 milyon.










