Inaprobahan umano ng parliamentary commission ng Iran ang plano na magpatupad ng tolls sa mga barko na dadaan sa Strait of Hormuz, isang mahalagang daanan ng oil at gas shipments na isinara bunsod ng kaguluhan sa Middle East.

Ayon sa Iranian state media, batay sa pahayag ng security commission ng parliament, kabilang sa mga plano ang financial arrangements at rial toll systems at pagpapatupad ng sovereign role ng Iran, maging ang kooperasyon ng Iran sa Oman sa kabilang bahagi ng strait.

Kabilang din dito ang pagbabawal sa Americans at Zionist regime na dumaan sa Strait, maging ang pagbabawal sa ibang bansa na magpataw ng sanctions sa Iran.

Nasa kalimang global crude oil at liquified natural gas ang dumadaan sa Strait of Hormuz noong wala pang kaguluhan.

Buhat nang magsimula ang giyera, bumagsak sa 95 percent ang mga oil tankers na dumadaan sa strait, na nagbunsod ng pagtaas sa presyo ng langis sa international market.

-- ADVERTISEMENT --