
Nagbabala ang Iranian military command nitong Miyerkules na posibleng umabot sa $200 kada bariles ang presyo ng langis dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East, kasunod ng pag-atake sa tatlong barko sa blockaded Gulf.
Ayon kay Ebrahim Zolfaqari, military spokesperson ng Iran, ang presyo ng langis ay nakadepende sa seguridad ng rehiyon na ayon sa kanya ay destabilized ng Estados Unidos at Israel.
Dagdag pa niya, maghihiganti ang Iran laban sa mga bangkong may kaugnayan sa US at Israel, at inabisuhan ang mga tao sa buong Middle East na manatili 1,000 metro ang layo mula sa mga bangko.
Bagama’t bahagyang bumaba ang presyo ng langis at nakabawi ang stock markets, umaasa ang mga mamumuhunan na si US President Donald Trump ay makakahanap ng mabilisang solusyon para wakasan ang digmaan na nagsimula dalawang linggo na ang nakalipas.




