Patay ang isang katao habang 17 ang sugatan matapos mahulog ang bus sa malalim na parte ng Diversion Road ng Barangay Villa Arcaya sa Gumaca, Quezon kagabi.

Ayon kay PMAJ Marlon Comia, acting police chief ng Gumaca acting police chief Maj. residente ng lugar ang nasawi na naglalakad lamang nang mahagip ng bus.

Nadala naman aniya sa ospital ang 17 sugatan at nasa maayos na ang kondisyon.

Sa imbestigasyon, galing Bicol ang bus at papunta sanang Maynila nang mamatayan ng makina sa itaas na bahagi ng kalsada.

Sinabi ni Comia, para mapaandar ng driver ang bus, sinubukan niya itong ikambiyo ito sa transmission, at nang bitawan niya ang clutch, bigla na itong umandar, at hindi na ito nakontrol ng driver hanggang sa mahulog sa malalim na bahagi ng daan.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Comia, noong una ay hindi nila makita ang driver, subalit kalaunan ay pumunta siya sa tanggapan ng pulisya matapos umano na magpa-check-up sa ospital dahil sa naramdaman niyang sakit sa katawan bunsod ng aksidente.

Nakakulong na ang driver ng bus.