Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 ang isang fish vendor matapos makuhanan ng pinagbabawal na gamot sa bayan ng Abulug, Cagayan.

Kinilala ni PMAJ Antonio Palattao chief of police ng PNP Abulug ang biktima na si Arni Berbano, 43 anyos at residente ng Brgy.Bagu.

Una rito ay nagsagawa ng search warrant ang mga otoridad na sinaksihan ng dalawang brgy.kagawad sa tahanan ng suspek kung saan pinaalam at pinaliwanag pa sa kanyan ang nilalaman nito.

Nang maipaliwanag na aniya sa kanya ay agad naman na naghalughog ang mga otoridad sa tahanan ng suspect na nagresulta sa pagkakakumpiska ng impovised shot gun na nakalagay sa loob ng isang cooler at may dalawang bala sa kanilang tindahan.

Sumunod ay ang isang piraso ng shabu na may bigat na 0.5 grams ngunit ang halaga nito ay 3,400 at mga drug paraphernalias na kinabibilangan ng aluminom foil, green lighter at one medium size transparent plastic sachet
na nakuha naman mula sa kanyang kwarto.

-- ADVERTISEMENT --

Itinanggi pa umano ng suspect na kanyang pag mamayari ito ngunit hindi na nakipag argumento ang mga otridad at sinabihang sa korte na lamang nito patunayan.

Maaari rin aniyang patago itong ginagawa ng suspect dahil hindi rin alam ito ng kanyang pamilya.