Patay ang isang katao habang 24 ang nasugatan sa mass shooting sa Ohio, USA.

Nangyari ang insidente bago maghatinggabi sa lungsod ng Akron.

Nadiskubre ng mga pulis ang maraming basyo ng bala at baril sa pinangyarihan ng pamamaril.

Sinabi ng Akron Police Department na wala pang naaaresto o natukoy na suspect sa nasabing pamamaril at kasalukuyan ang imbestigasyon.