TUGUEGARAO CITY- Patay ang isang lalaki matapos na malunod sa ilog sa Peñablanca, Cagayan.
Sinabi ni PCapt. Arnold Bulaqui, OIC chief of police ng PNP Peñablanca, sa kanilang imbestigasyon, nagtungo sa ilog ang biktima na si Archie Narag, 22, ng Linao East, Tuguegarao City kasama ang iba pa para mag-picnic.
Ayon sa kanya, matapos na makainom ng ilang bote ng alak ay nagkatuwaan ang mga ito na maligo sa ilog.
Napadpad umano ang biktima sa malalim na bahagi ng ilog dahil sa malakas na agos ng tunig hanggang sa siya ay malunod.
-- ADVERTISEMENT --