Isang paaralan sa Calayan island, Cagayan na hindi pa nakakabangon sa epekto ng nagdaang bagyo, todo paghahanda sa posibleng epekto ng Tyhoon Inday

Inilikas na sa ligtas na lugar ang mahahalagang dokumento at kagamitan ng Babuyan-Claro Integrated School sa isla ng Calayan, Cagayan bilang paghahanda sa inaasahang Bagyong Inday.

Ayon kay Bernie Nuñez, school principal, hindi pa lubusang nakakabangon ang paaralan mula sa pinsalang iniwan ng Bagyong Nando noong nakaraang taon.

Nananatiling gumagamit ng iisang campus ang mga mag-aaral ng elementarya at high school sa ilalim ng shifting schedule matapos masira ng nagdaang bagyo ang isa sa kanilang mga gusali.

Sa ngayon ay tumutulong rin ang mga magulang at stakeholder para sa pagseguro sa mga pasilidad sa paaralan habang nakahanda na rin ang mga modyul upang matiyak na hindi maaantala ang edukasyon ng mga mag-aaral sakaling masuspinde ang klase.

-- ADVERTISEMENT --