TUGUEGARAO CITY- Go signal na lang umano ni Dante Balao,director ng Office of the Civil Defense Region 2 ang hinihintay ng isang team ng mga experts sa communication technology para sa kanilang deployment sa Pampanga o Eastern Samar na niyanig kamakailan.

Sinabi ni Engr. Ramon Narte,emergency communication consultant ng OCD Region 2 at miembro ng Philippine Amatuer Radio Association o PARA na lima ang miembro ng team,tatlo mula sa Cagayan at dalawa mula sa Isabela na pawang mga experts umano sa emergency communications technology na kailangan sa panahaon ng kalamidad.

Ayon sa kanya,bitbit nila sa kanilang pagtungo sa mga nasabing lugar sila ay matutuloy ang kanilang communications equipment tulad ng high frequency radio at iba na compatible umano sa mga ginagamit ng mga rescuers sa ground zero sa Pampanga.

Idinagdag pa ni Narte na nakahanda rin ang PARA sakaling may darating na iba pang kalamidad sa bansa.

Sinabi niya na may sariling communications equipment ang PARA na maaaring gamitin kahit sa kasagsagan ng kalamidad o sa panahon na walang kuryente o signal ng mga telepono.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya,handa silang mag-volunteer para makatulong may kaugnayan sa komunikasyon.