TUGUEGARAO CITY-Kasalukuyan na ang pagsasaayos sa mga nasaring gusali tulad ng simbahan,ospital at paaraalan na unang sinira ng magkasunod na lindol sa Itbayat, Batanes.

Ayon kay Vice Governor Ignacio Villa ng Batanes, unti-unti nang nakakabangon ang mga residente sa lugar makalipas ang isang taon.

Maging ang mga nawasak na bahay ay unti-unti na ring naipapatayo kung kaya’t nakauwi na ang mga apektadong mamamayan na unang inilikas dahil sa lindol.

Matatandaan, Hulyo 27, 2019 nang niyanig ng magkasunod na magnitude 5.4 at 5. 9 ang Itbayat kung saan maraming mga ari-arian ang nasira at walo ang nasawi.

Tinig ni Vice Governor Ignacio Villa

-- ADVERTISEMENT --