Hindi sapat para kay Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña na maaresto si Senador Jinggoy Estrada para sa kasong plunder at graft.

Ayon kay Cendaña, dapat siguraduhin na hindi na makakalusot muli ang senador.

Kailangan din aniyang tiyakin na matibay ang kaso laban kay Estrada para siya ay ma-convict at magagarantiya ang pananagutan ng mga tiwali.

Tinawag naman ng kongresista na “drama-rama sa hapon” ang nangyaring pagsuko ni Estrada pati na ang pagbibigay nito ng pahayag sa Senado.

Banat ni Cendaña, sawa na ang mamamayan sa iyakan at ang kailangan na ay pananagutan at katarungan.

-- ADVERTISEMENT --

Mababatid na inilabas ng Sandiganbayan Fifth Division ang arrest warrant laban kay Estrada para sa non-bailable plunder at graft case na nag-ugat sa umano’y pagkakasangkot nito sa flood control controversy at pagtanggap ng kickbacks.