
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Juan Miguel Cuna bilang Acting Secretary ng Department of Environment and Natural Resources o DENR.
Papalitan ni Cuna si Raphael Lotilla, na itinalaga namang Philippine Ambassador to the Holy See.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, si Cuna ay isang abogado na dati nang nagsilbi sa iba’t ibang posisyon sa DENR, kabilang ang pagiging director, assistant secretary, at undersecretary.
Naging Provincial Environment and Natural Resources Officer din sya mula 2008 hanggang 2010.
Bukod dito, nagsilbi rin si Cuna bilang law professor sa Arellano Law Foundation at bilang Director IV at legal officer ng Presidential Legislative Liaison Office noong 1998 hanggang 2001.
Sinabi ng Malacañang na inaasahang magiging maayos ang transisyon sa DENR at hindi maaapektuhan ang operasyon ng ahensya.
Paglilinaw naman ni Castro hindi sinibak sa pwesto si Lotilla, nais lang daw nito na magkaroon ng lighter assignment.










