
Patay ang isang kagawad kagawad matapos pasukin at pagbabarilin sa loob ng barangay hall ng Payar sa Malasiqui, Pangasinan nitong madaling araw ng Miyerkoles.
Ayon sa pulisya, natutulog ang biktima na si Sonny Caspillan Sr., 61-anyos kasama ang dalawang civilian volunteer officers nang biglang pumasok ang mga salarin at pinagbabaruil siya ng tatlong beses.
Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo matapos ang pamamaril.
Sinabi ng kapwa kagawad na si Jerry Mendoza Sr. na wala naman silang alam na kaaway si Caspillan.
Ayon naman kay Police Lt. Col. Garry Anthony Casem, nakausap pa ang biktima bago bawian ng buhay at ito ang magiging susi sa imbestigasyon.
-- ADVERTISEMENT --
Sinusuri na rin ang CCTV footage upang matukoy ang mga salarin.