
Pinuri ng House of Representatives si Filipino tennis player Alex Eala matapos ang makasaysayang pagkapanalo niya sa 2026 Mubadala DC Open.
Nagpasa ang Kamara ng resolusyon bilang pagkilala kay Eala na naging kauna-unahang Pilipino na nanalo ng Women’s Tennis Association o WTA title matapos talunin sa finals ang top seed na si Jessica Pegula.
Inihain ang resolusyon nina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, at Minority Leader Marcelino Libanan bilang pagkilala sa tagumpay ng atleta.
Tinalo ni Eala ang ilang world-class players sa torneo kabilang sina Olympic gold medalist Qinwen Zheng, defending champion Leylah Fernandez, Elina Svitolina, Naomi Osaka, at Jessica Pegula bago makuha ang kampeonato.
Dahil sa panalo, umakyat din si Eala sa WTA rankings at pumuwesto bilang world number 20 matapos ang kanyang matagumpay na kampanya sa DC Open.
Sinabi ng Kamara na nagsisilbing inspirasyon ang tagumpay ni Eala sa mga Pilipinong atleta na mangarap at makipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon.










