Nabisto ang tangkang pagpupuslit ng hinihinalang shabu sa loob ng kulungan sa Kalibo matapos itong itago sa mga tangkay ng kangkong.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP, nagduda ang mga bantay nang biglang umalis ang kasama ng isang binatilyong dalaw.

Nang inspeksyunin ang dalang kangkong na umano’y gagamitin sa sinigang ng isang Person Deprived of Liberty, natuklasan ang nakatagong hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang tatlong gramo.

Agad na inaresto ang binatilyo, habang iimbestigahan din ang PDL na bibisitahin nito na nakakulong dahil sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.