Ipinag-utos ng korte na ilipat si Pastor Apollo Quiboloy at mga kapwa niya akusado New Quezon City Jail.

Ang kautusan ay mula sa Quezon City Regional Trial Court Branch 106.

Si Quiboloy at Cresenta Canada ay ililipat sa New Quezon City Jail sa Payatas, Bagong Silangan, habang Jackielyn Roy, Ingrid Canada, at Sylvia Camanessina ay ipinag-utos na dalhin sa Quezon City Jail-Female dormitory sa Camp Karingal.

Nasa kustodiya ng Philippine National Police sa Camp Crame ang mga akusado, kasunod ng kanilang pagkakaaresto noong September 8 sa Davao City.

May kaso si Quiboloy at kanyang mga kasamahan na child abuse at human trafficking sa korte sa Davao City at Pasay City.

-- ADVERTISEMENT --

Nahaharap din si Quiboloy ng mga kasong kriminal sa Estados Unidos.

Noong January 31, 2022, naglabas ang US Federal Bureau of Investigation ng wanted poster na humihingi ng impormasyon sa kinaroroonan ni Quiboloy dahil sa “conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion, at sex trafficking of children; sex trafficking by force, fraud and coercion; at conspiracy; bulk cash smuggling.”