TUGUEGARAO CITY – Ligtas sa kapahamakan ang apat na miyembro ng pamilya matapos nasagi ang sinasakyang kotse ng isang pampasaherong bus sa bayan ng Amulung, Cagayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni SPO1 Romel Damagan ng PNP-Amulung na sinubukan ng driver ng bus na si Sherwin Paguirigan, 40-anyos ng Ilocos Norte na i-overtake ang sinusundang trailer truck sa Barangay Calamagui na dahilan ng pagkasagi nito sa kasalubong na kotse.
Kaugnay nito, nagtaamo ng mga sugat sa katawan ang driver ng kotse na si Edison Utanes, 40 anyos, kasama ang kanyang asawa at dalawang menor de edad na anak at pawang mga residente sa bayan ng Buguey.
Wala namang naitalang sugatan sa pasahero ng bus na galing Ilocos Norte at patungong Tuguegarao City.