
Epektibo ngayong Martes, Mayo 12, 2026, ang panibagong pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo sa bansa, kung saan tumaas ang gasolina habang bumaba ang diesel at kerosene.
Ayon sa mga oil companies na Petron Corp., Seaoil Philippines Corp., at Shell Pilipinas Corp., nagtaas ng ₱0.47 kada litro ang presyo ng gasolina.
Kasabay nito, nagkaroon ng rollback na ₱9.57 kada litro sa diesel at ₱13.30 kada litro sa kerosene.
Ganito rin ang ipinatupad ng PTT Philippines Corp. at Unioil Petroleum Philippines Inc., maliban sa kerosene na hindi nila ibinebenta.
Epektibo ang mga bagong presyo mula alas-6 ng umaga ngayong araw.
-- ADVERTISEMENT --
Ito na ang ikatlong sunod na linggo ng pagtaas sa gasolina, habang patuloy naman ang malalaking rollback sa diesel at kerosene.










