Nagbabala si Senator Panfilo Lacson sa ilang lump-sum appropriations para sa mga infrastructure project sa panukalang ₱7.2-trilyong national budget para sa 2027.

Ayon kay Lacson, may mga nakitang pondong pinagsama-sama sa isang halaga kahit dapat ay nakadetalye ang gastos para sa bawat proyekto, aktibidad o programa.

Aniya, hihingi sila ng paglilinaw sa mga kinauukulang opisyal.

Posible rin aniyang pormal na ihain ni Lacson ang usapin sa briefing ng Development Budget Coordination Committee o DBCC na nakatakda sa Agosto 27.

Iginiit ng senador na karaniwang pinapayagan ang lump-sum appropriations para sa calamity funds dahil hindi matukoy kung kailan mangyayari ang mga sakuna, ngunit kuwestiyonable umano kung gagamitin ito para sa infrastructure projects.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, susuriin din ng kanyang staff ang National Expenditure Program o NEP para sa posibleng special provisions na maaaring magamit sa pag-abuso sa unprogrammed appropriations.