Nasabitan ng side mirror ng isang utility van ang 30-anyos na lalaking biglang tumawid sa South Luzon Expressway (SLEX) sa bahagi ng Mayapa, Calamba City.

Ayon kay Joseph Dela Rosa na nag-upload ng video, agad niyang kinabig ang kanyang sasakyan para iwasan ang lalaki na patakbong tumawid.

Nagpagewang-gewang pa ang van pero ligtas itong naitabi sa gilid ng kalsada.

Laking gulat naman ng driver nang makita ang lalaki, na nakabangon at walang kahit anong sugat sa kabila ng insidente.

Napag-alaman din na mangangalakal ito at nangunguha ng tira-tirng bakal sa loob ng construction sites

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nasa kustodiya na siya at nahaharap sa reklamo mula sa SLEX patrollers.