Dinakip ng mga awtoridad ang isang lalaki na humalay umano sa isang lalaking Grade 2 pupil sa Pasig City.

Sinabi ng pulisya na inaya umano ng 39-anyos na suspek ang biktima na kumain sila sa isang fast food chain at pagkatapos ay dinala niya sa bahay at isinasagawa umano ang panghahalay.

Base sa reklamo, pauwi na biktima mula sa paaralan nang makita ng suspek ang bata.

Sinabi ng pulisya, hindi magkamag-anak ang dalawa, at nakita lang ng suspek ang bata, kung saan nakursunadahan umano ng suspek ang bata.

Itinanggi naman ng suspek ang akusasyon at sinabing tinulungan lang niya ang bata na makauwi.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, mapapatunayan na hindi siya nagsisinungaling sa medical examination.

Nakadetine ang suspek sa Pasig Police Custodial Center na nahaharap sa reklamong rape in relation to child abuse.