Namatay ang isang lalaking Chinese habang ginagawa nito ang kontrobersiyal na uri ng exercise na bumitin sa pamamagitan ng baba para umano maibsan ang sakit sa leeg at gulugod sa pamamagitan ng pagbabawas ng pressure sa nerves.

Sa nakalipas na dekada ang kakaiba na exercise ay nakakakuha ng attraction sa buong china.

ang exercise na ito ay dinnuduyan ang katawan habang nakabitin ang baba na may supporter na leather strap.

sinasabing naimbento noong 2017 ng shenyang native na si sun rongchun upang maibsan ang sakit sa likod, kung saan mabilis na naging sakit ang neck swings sa mga parks at outdoor gyms sa buong china.

nagamat hindi ligtas ang nasabing paraan ng exercise, sinabi naman ng mga nakaranas na epektibo ito para sa sakit sa leeg at likod.

-- ADVERTISEMENT --

subalit, patuloy ang babala ng mga duktor sa panganib ng nasabing exercise.

kamakailan, namatay ang isang chinese habang ginagawa ito sa bayan ng chengxi sa chongqing.

kinumpirma ng mga pulis na ang dahilan ng pagkamatay ng lalaki ay sahil sa pagkakasakal niya habang nakabitin..

sinabi naman ng mga saksi na ang leeg kati ang ipinatong ng lalaki sa leather strap sa halip na ang kanyang baba.