Nakakuha ng $300-milyong pautang ang International Container Terminal Services Inc. o ICTSI mula sa Asian Infrastructure Investment Bank o AIIB para pondohan ang pagpapalawak at modernisasyon ng mga pantalan nito sa Maynila, Batangas, at Mindanao.

Ayon sa ICTSI, gagamitin ang pondo para sa technology-enabled infrastructure upgrades sa Manila International Container Terminal, South Luzon Container Terminal sa Batangas, at Mindanao Container Terminal.

Bahagi rin ng proyekto ang pagbili ng fully electric quay cranes at pagpapalit ng diesel-powered equipment upang mabawasan ang greenhouse gas emissions sa operasyon ng mga pantalan.

Ang ICTSI ay pagmamay-ari ng negosyanteng si Enrique Razon Jr..

Ayon sa kumpanya, ito ang kauna-unahang non-sovereign-backed transaction ng AIIB sa Pilipinas.

-- ADVERTISEMENT --