Umabot na sa 9 metro (critical level) ang lebel ng tubig sa Buntun Bridge sa Tuguegarao City nitong Sabado, Oktubre 4, 2025, batay sa pinakahuling ulat ng mga awtoridad nitong alas-3 ng hapon.

Dahil dito, hindi na madaanan ang Capatan Overflow Bridge, Riverbank Bonifacio Street sa Centro 01, Teresita Boulevard patungong Ecopark sa Centro 10, at Aguinaldo Extension malapit sa Cagayan Museum.

Patuloy ang pagbabantay ng ng mga awtoridad sa sitwasyon at nananawagan sa mga residente, lalo na sa mga nakatira malapit sa ilog, na manatiling alerto at maging handa sa posibleng preemptive evacuation kung magpapatuloy ang pagtaas ng tubig.