Pinabulaanan ni 1st District Batangas Rep. Leandro Leviste na may kinalaman siya sa umano’y planong pag-frame up kay Executive Secretary Ralph Recto sa “bugaw” o human trafficking modus.

Sinabi ito ng kongresista matapos mapasama sa mga indibidwal na ipasu-subpoena ng National Bureau of investigation (NBI).

Kasunod ito ng affidavit ng isang naarestong talent manager na nagsiwalat sa naturang plano laban kay Recto.

“Mapapatunayang hindi ko kailanman nakausap ang sinuman sa mga taong ito — mas mabuting si Recto ang tanungin kung kilala niya sila,” saad ni Leviste.

-- ADVERTISEMENT --