Magbibigay ang pamahalaang lokal ng Allacapan, Cagayan ng cash assistance at iba pang tulong sa pamilya ng 11 na namatay sa pagbangga ng Florida bus sa isang pick-up sa bayan ng Abulug.

Sinabi ni Mayor Harry Florida, bukod sa regular na tulong na ibinibigay sa pamilya ng mga namamatayan sa kanilang bayan ay dadagdagan pa ito.

Ayon kay Florida, nakakalungkot ang pangyayari dahil sa magkakapamilya at magkakamag-anak ang agad na namatay sa nasabing aksidente.

Kaugnay nito, sinabi ni Florida na wala siyang ideya kung ano ang tulong na ibinigay at maaaring ibibigay pa ng bus company sa pamilya ng mga biktima.

Matatandaan na palabas sa national highway sa Abulug ang pick-up na lulan ang 14 kabilang ang driver na mula sa bayan ng Santa Marcela, Apayao nang mabangga ito ng bus.

-- ADVERTISEMENT --

Agad na namatay ang 11 na sakay ng pick-up na tumilapon mula sa sasakyan bunsod ng malakas na impact ng banggaan.