
Mahigit 3,000 katao ang lumahok sa White Ribbon March sa EDSA nitong Linggo upang muling manawagan ng pananagutan laban sa korapsyon sa pamahalaan.
Iginiit ni Kidapawan Bishop Jose Bagaforo na hindi dapat manahimik ang mamamayan habang ninanakaw ang pondo ng bayan, habang sinabi naman ni Bayan chairman Teddy Casiño na kailangang baguhin ang sistemang nagbibigay-daan sa korapsyon at political dynasties.
Isinusulong din sa pagtitipon ang pagpapatibay ng isang tunay na anti-political dynasty law, habang tiniyak ng pulisya na naging mapayapa ang kilos-protesta sa kabila ng pagdeploy ng mahigit 2,500 pulis.










