Hindi pa man nakahuhupa sa trahedya ng plane crash sa South Korea, isa na namang eroplano ang nag-crash sa United Arab Emirates (UAE) nitong Linggo, Disyembre 29, na kumitil sa buhay ng dalawang katao.
Ayon sa pahayag ng General Civil Aviation Authority, ang dalawang nasawi sa pag-crash ng light aircraft sa coast ng Ras Al Khaimah ay ang pilot at co-pilot nito.
Wala namang napaulat na nasawing pasahero. Ang nabanggit na mga nasawi ay isang Indian at Pakistani national.
Iniimbestigahan pa ang dahilan ng nabanggit na crash.