Sinuspinde ng Land Transportation Office ng 90 araw ang lisensya ng isang rider matapos mag-viral ang video nito na sumasayaw habang nakatayo sa ibabaw ng motorsiklo sa gitna ng trapiko sa Maynila.
Naglabas na ang LTO ng show cause order laban sa rider at sa may-ari ng motorsiklo.
Inatasan ng ahensya ang rider na magpaliwanag at humarap sa pagdinig sa August 20.
Pinasusuko na rin ang kanyang lisensya.
Maaari rin umanong maharap ang driver sa pinakamabigat na parusa—ang pagbawi ng kanyang driver’s license—kung mapatunayang hindi karapat-dapat magmaneho.
-- ADVERTISEMENT --
Kasabay nito, pinaalalahanan ng LTO ang publiko na ang kalsada ay hindi lugar para sa “pa-show” at dapat laging unahin ang kaligtasan.