
Humiling ang National Bureau of Investigation o NBI ng Immigration Lookout Bulletin Order o ILBO laban kay Batangas Representative Leandro Leviste, dating mambabatas Jing Paras at limang iba pa kaugnay ng umano’y plot laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
Nag-ugat ang kahilingan sa complaint ng NBI para sa qualified human trafficking laban sa mga respondent, matapos iligtas ng mga ahente ang ilang indibidwal sa isang entrapment operation na iniuugnay sa naturang umano’y ploy.
Samantala, sinusuri pa ng Department of Justice ang reklamo at maaari itong ibalik sa NBI o isulong sa preliminary investigation, habang itinanggi ng kampo ni Leviste ang pagkakasangkot at sinabi naman ng kampo ni Paras na kusang lumapit sa kanila ang umano’y testigo.










