
Patuloy na binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) dahil may posibilidad itong maging susunod na bagyo.
Ang sama ng panahon ay huling namataan sa layong 1,635 kilometro silangan ng Southern Luzon at may katamtamang tsansa na maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.
Kapag tuluyang lumakas, tatawagin itong bagyong “Kiyapo.”
Sa kasalukuyan, wala pa itong direktang epekto sa bansa, ngunit patuloy itong mino-monitor ng mga weather experts, lalo na’t panahon na ng tag-ulan kung kailan mas madalas mabuo ang mga bagyo sa karagatan malapit sa Pilipinas.










