Patay ang mag-asawa matapos na bumangga ang isang bus sa kanilang kainan sa Santa Rosa, Nue Ecija noong Miyerkules ng umaga.

Sinabi ni Col. Henryl Bruno, Nueva Ecija police director, natutulog ang mag-asawa na sina Edward Yumol, 56-anyos at kanyang asawa na si Rochelle sa kanilang kainan sa Barangay Santo Rosario nang mangyari ang insidente, pasado ala-una ng madaling araw.

Dinala ang mag-asawa sa Nueva Ecija Doctors’ Hospital, subalit binawian sila ng buhay habang sila ay ginagamot.

Ayon kay Bruno, nawalan umano ng kontrol sa manebela ang driver ng bus na si Edgardo Caratiquit, na dahilan para bumangga ito sa nakaparada na van sa gilid ng kalsada basgo bumangga sa kainan ng mag-asawa

Bukod sa kainan at iba pa pang katabing tindahan, may ilang sasakyan ang nadamay sa nasabing insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Nasa critical condition umano ang driver, habang ligtas naman ang kanyang mga pasahero.

Kasalukuyan pa ang isinagawang imbestigasyon sa tunay na dahilan ng nasabing insidente.