TUGUEGARAO CITY- Nais ni Mayor Benjamin Magalong ng Baguio City at contact tracing czar na sanayin sa police investigation ang mga contact tracers ng covid-19.
Sinabi ni Magalong na ito ang bagong dynamics para sa mas epektibo at mas mabilis na contact tracing.
Ayon sa kanya, pinag-aralan niya ang ginagawang contact tracing ng Department of Health at ipinasok ang sistema ng PNP investigation.
Bukod dito, sinabi ni Magalong na sa bawat bubuuing team ng contact tracers ay kailangang kasama ang isang pulis.
Ayon sa kanya, malaki ang maitutulong ng mga pulis sa nasabing hakbang.
-- ADVERTISEMENT --
Matatandaan na nagtungo sa lungsod ng Tuguegarao si Magalong kahapon kung saan pinangunahan niya ang training sa mga contact tracers.