Nasawi sa pagkalunod ang isang 58-anyos na magsasaka matapos atakihin ng sakit na epilepsy at nahulog sa fishpond sa bayan ng Iguig, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si William Cauilan at residente ng Zone 2, Brgy Baculud.

Batay sa imbestigasyon, sinabi ni PCPL Reymond Unarce ng PNP-Iguig, habang naglilinis sa pinagtatrabahuang bukid ay sinumpong ang biktima ng kanyang sakit na dahilan ng pagkahulog at pagkalunod nito sa palaisdaan.

Umabot naman ng mahigit isang oras bago narekober ang katawan ng biktima ng responding team mula sa Bureau of Fire Protection.

Wala namang nakikitang foul play ang pulisya sa pagkamatay ng biktima na sa ngayon ay nakaburol na sa kanilang tahanan.

-- ADVERTISEMENT --