TUGUEGARAO CITY-Dead-on-the-spot ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng riding in tandem suspects sa bayan ng Tuao, Cagayan, kaninang umaga

Ayon kay Police Major Reymund Asistores, hepe ng Pnp-Tuao, pauwi na ang biktima na si Ricardo Ligottan,53-anyos ng Brgy Angang mula sa kanyang palayan sa Brgy Malalinta lulan ng kanyang motorsiklo nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Nagtamo ng hindi pa mabatid na bilang ng tama ng baril na M16 rifle ang biktima na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Nabatid na tinakpan ng dalawang suspek ang kanilang mukha gamit ang damit kung kaya’t hindi namukhaan ang mga ito.

Samantala,batay sa salaysay ng asawa ng biktima sa kapulisan , malawak umano ang sinasaka ng biktima kung kaya’t isa sa tinitignang motibo ay may kaugnayan sa lupa.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nirereview na ng kapulisan ang CCTV na dinaanan ng mga suspek na maaring makatulong sa pagresolba sa kaso.