
Masiglang ipinagdiwang ang Baybay Festival sa Buguey, Cagayan, tampok ang makukulay na sayawan, pagtatanghal, at pagkaing lokal.
Ang festival ay pagkilala sa dagat at kultura ng Buguey, at sa pangingisda bilang pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga residente.
Naging highlight ang mga kultural na sayaw, pagkaing bulong unas, Baybay Parade, at pagtatanghal ng mga Barangay Health Workers at Nutrition Scholars.
Dumalo si Dr. Angel Encarnacion ng BFAR Region 2, na kinilala bilang Adopted Son ng Buguey.
Ipinahayag niya ang suporta sa pangingisda at turismo sa bayan.
Ayon kay Encarnacion, mahalaga ang festival para sa pag-aalaga ng pangingisdaan at nagpapaalala na ang dagat ay nagbibigay ng pagkain at trabaho.
Ang Baybay Festival ay simbolo ng pagkakakilanlan at pagtutulungan ng mga taga-Buguey.










