Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad sa naganap na pananambang-patay sa punong barangay ng Anurturu, Rizal, Cagayan sa Brgy. Gumarueng, Piat kahapon.

Nakilala ang biktima na si Roberto De Ocampo.

Sinabi ni Brgy Captain Jehonadap Salvador ng Brgy Gumarueng na siya ring ABC President ng Piat na agad rumesponde ang pulisya matapos matanggap ang impormasyon na pamamaril sa biktima.

Nabatid na pauwi na sana ang biktima kasama ng kanyang asawa sa kanilang barangay nang tambangan sila ng mga suspek na sinubukan pa nilang takasan ngunit sila ay bumangga sa poste hanggang sa dumiretso ang elf na kargado ng construction materials sa gitna ng bukid.

Nakuha sa pinangyarihan ng pamamaril ang anim na basyo ng bala ng Caliber 45 kung saan isa ang tumama sa ulo ng kapitan at ang dalawa ay sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan habang nagtamo din ng mga galos sa katawan ang kanyang asawa

-- ADVERTISEMENT --

Nasawi si De Ocampo habang siya ay isinusugod sa Tuao District Hospital.