TUGUEGARAO CITY-Aksidenteng nabaril sa paa ang isang construction worker habang nagpapahinga sa ginagawang bahay sa lungsod ng Tuguegarao.

Kinilala ang biktima na kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan na si Lorenzo Ballesta Jr, 56 anyos, residente ng Barangaya Bauan East, Solana.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo, sa halip na hayop ang patamaan ng suspek na si Alfredo Malannao, 65-anyos ng Barangay Linao East ay aksidente nitong nabaril ang biktima sa di kalayuan.

Tinamaan ng dalawang beses sa kaliwang paa ang biktima gamit ang isang Philcolt cal. 22 na baril o airgun na kaagad isinugod sa pagamutan.

Sa isang panayam, iginiit ng suspek na aksidente lamang ang nangyari at ang target nitong patamaan ay ang mga baka na kumakain sa kanyang alagang mais.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, nagkaroon na ng pag-uusap sa dala wang panig kung saan sasagutin ng suspek ang mga bayarin sa ospital ng biktima.