
Iniutos ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang pagsasagawa ng manhunt laban sa mga nasa likod ng pananambang na kumitil ng buhay ng retiradong military colonel na si Leonardo Songcaya sa Cotabato.
Ayon kay Nartatez, nagbigay na sya ng direktiba sa lahat ng pwersa ng pulisya na gawin ang lahat para malaman ang motibo at makuha ang mga impormasyon na maaaring magturo sa pagkakakilanlan ng mga bumaril at mastermind sa likod ng pagpatay sa nasabing retiradong col.
Nabatid na nangyari ang insidente noong Pebrero 6 kung saan nagmamaneho ang nasabing biktima ng isang pick-up truck nang pagbabarilin ito ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin.
Agad ring pumanaw ang biktima sa pinangyarihan ng insidente dahil sa dami ng mga tama nitong bala sa katawan.
Nagbigay naman ng reward na 500,000 pesos ang lokal na pamahalaan para sa pagkakaaresto ng mga suspek.










