Magdaraos ang Manila City Government ng Halal Festival ngayong Marso 23 hanggang 26, na naglalayong ipagdiwang ang kultura ng Halal at palakasin ang papel ng kababaihan sa negosyo at komunidad.

Mula Marso 23 hanggang 25, gaganapin ang festival sa Inner Court ng Manila City Hall, 8 a.m. hanggang 5 p.m., kung saan itatampok ang Halal-certified products, tradisyunal na pagkain, at mga oportunidad para sa pag-unlad ng Halal ecosystem sa bansa.

Kabilang sa programa ang mga seminar at workshop para sa local entrepreneurs, MSMEs, at stakeholders, bilang bahagi ng adbokasiya ng lungsod sa inklusibong paglago at pagpapalakas ng kababaihan sa negosyo.

Ayon sa lungsod, layunin ng festival na pagsamahin ang selebrasyon ng kultura at paghubog ng mga kakayahan ng kababaihan at negosyante sa Manila.