Magbabalik sa boxing ring si Filipino bo­xing legend Man­ny Pacquiao sa Abril 18, 2026.

Nakatakdang labanan ng 47-anyos na Filipino world eight-division champion si dating world junior welterweight titlist Ruslan Provodnikov ng Russia sa isang 10-round welterweight exhibition match sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Taglay ni ‘Pacman’ ang 62-9-2 win-loss-draw ring re­cord kasama ang 39 knockouts kumpara sa 25-5-0 (18 KOs) card ng 42-anyos na si Provodnikov.

Huling lumaban ang 47-anyos na si Pacquiao noong Hulyo 19 kontra kay WBC welterweight ruler Mario Barrios kung saan nauwi ang suntukan sa majority draw.

Tabla ang iskor ng dalawang judges, habang ibinigay ni judge Max DeLuca kay Barrios ang 115-113 panalo.

-- ADVERTISEMENT --