Tinuligsa ni Senator Rodante Marcoleta ang posibleng pag-alis ng ilang miyembro sa Senate majority bloc, at tinawag pa itong “mas masahol pa kay Judas” sa gitna ng mga usap-usapang may panibagong pagbabago sa liderato sa Senado.

Ayon kay Marcoleta, ipinahayag niya sa kanilang grupo ang matinding pagtutol sa sinumang senador na lilipat o tatalikod sa kanilang hanay.

Sinabi niya na ang ganitong hakbang ay maituturing na uri ng pagtataksil sa kanilang grupo, kaya inihalintulad niya ito sa pinakamabigat na uri ng betrayal.

Ayon pa sa ulat, binigyang-diin din umano ni Senator Camille Villar ang parehong sentimyento sa isang caucus ng majority bloc na isinagawa matapos ang insidente ng pamamaril sa loob ng Senado noong Mayo 13.

Patuloy na umiinit ang usapin sa loob ng Senado sa gitna ng mga bulung-bulong.

-- ADVERTISEMENT --