
Inaasahang tatalakayin nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Russia President Vladimir Putin ang mga usapin hinggil sa seguridad sa enerhiya at pagkain sa kanilang bilateral na pagpupulong sa sideline ng ASEAN-Russia Summit sa Kazan, Russia sa Hunyo 17 at 18.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary at ASEAN Spokesperson Dominic Xavier Imperial, magiging bahagi rin ng pag-uusap ang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng ugnayang diplomatiko ng Pilipinas at Russia.
Sinabi ni Imperial na nais ding palawakin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa turismo, edukasyon, kultura, agham at teknolohiya. Kabilang sa mga posibleng pag-usapan ang langis, natural gas at nuclear energy.
Ito ang magiging unang pagbisita ni Marcos sa Russia bilang pangulo.
Samantala, nilinaw ni Imperial na walang inaasahang magiging pormal na deklarasyon o dokumento kaugnay ng nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine sa nasabing summit.










