
Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyang prayoridad sa panukalang 2027 National Expenditure Program (NEP) ang mga proyektong handa nang ipatupad at may pinakamalaking pakinabang sa publiko.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, nagpapatuloy ang masusing pagsusuri sa panukalang budget matapos itong talakayin ng Gabinete. Aniya, dapat na nakahanay ang mga programang popondohan sa pambansang development plan at magbibigay ng mataas na benepisyo sa mamamayan.
Sinabi naman ng Malacañang na isusumite sa Kongreso ang panukalang 2027 NEP matapos ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa huling bahagi ng buwang ito para sa pagtalakay at pag-apruba.









