
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating United Kingdom Prime Minister Tony Blair sa Malacañang nitong Miyerkules.
Sa kanyang social media post, sinabi ng Pangulo na ikinagagalak niyang tanggapin si Blair, na inilarawan niyang isa sa pinakamatagal na nagsilbing punong ministro ng United Kingdom.
Ayon kay Marcos, patuloy na nakikibahagi si Blair sa mga pandaigdigang talakayan tungkol sa pamamahala at pampublikong polisiya sa pamamagitan ng Tony Blair Institute for Global Change.
Nagsilbi si Blair bilang Prime Minister ng United Kingdom mula 1997 hanggang 2007.










