Hinimok ni Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na bumuo ng isang mahabagin at nagkakaisang bansa sa pagdiriwang ng Easter.

Aniya, dapat dalhin ng mga Pilipino ang diwa ng Pasko ng Pagkabuhay sa araw-araw na buhay sa pamamagitan ng kabutihang loob, pagiging bukas-palad, at pagkakaisa. Hinikayat niya ang bawat isa na maging instrumento ng pagbabago at renewal sa bansa sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa at pagpili ng kabutihan kaysa indifference.

Nanawagan rin si Marcos na bumangon ang mga Pilipino na may panibagong layunin, pag-asa, at responsibilidad para sa isa’t isa, at itaguyod ang pagkakaisa bilang lakas ng bansa.