TUGUEGARAO CITY- Tatlong couple na kinabibilangan ng apat na pulis ang ikinasal kaninang umaga sa mass wedding sa Police Regional Office No.2

Ang mga pulis na ikinasal sa kanilang mga partner ay sina Police Corporal Jomar Dela Cuesta na nakatalaga sa Santiago PNP,Patrolman Mark Fontanilla at Patrolman Marvin Berbano at Patrolwoman Angela May Nicolas

Apat sanang pares sana ang ikakasal subalit, umatras umano ang isang couple

Ang kasalan ay kasabay ng pagdiriwang ng Feast of St.Vincent Ferrer, patron saint ng PNP Region 2 at sa pagbisita ni Sto.NiƱo de Cebu

Pinangunahan ni Bishop Jaime Florencio, ang bagong talagang opispo ng AFP ang misa at kasal

-- ADVERTISEMENT --