TUGUEGARAO CITY- Hihilingin umano ni Mayor Dan Dexter Agatep ng Lasam, Cagayan sa Sanguniang Bayan na ideklarang “persona non grata” ang New Peoples Army (NPA).

Ayon kay Mayor Agatep, ito’y para mawala ang preseniya ng NPA sa kanilang lugar na nagdudulot ng takot sa mga residente.

Aniya, may mga namomonitor na miembro ng NPA sa bayan ng Lasam na nagsisilbing daanan ng mga rebeldeng grupo patungo sa kalapit na bayan tulad ng Rizal.

Dahil dito, nais ni Agatep ng pagkakaroon ng isang resolusyon na nagdedeklara bilang persona non grata ang mga NPA sa nasasakupang lugar upang maresolba ang problema sa insurhensiya.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na ang bayan ng Lasam ang isa sa mga tinututukan ng mga kasundaluhan dahil sa presensiya ng NPA