Hinatulang makulong ng 20 taon ang pinaka-prominente na media tycoon ng Hong Kong na si Jimmy Lai dahil sa national security charges na binubuo ng dalawang bilang ng conspiracy sa foreign forces at ang isa ay paglalathala ng seditious materials.

Dahil sa nasabing hatol, natapos ang halos limang taon na pagdinig sa most high-profile case sa Hong Kong.

Matatandaan na naaresto si Lai, founder ng nabuwag nang Apple Daily newspaper noong August 2020.

Ang hatol kay Lai na 20 taon ay pasok sa pinamatinding penalty “band” na 10 taon hanggang life imprisonment para sa mga mabibigat na kaso.

Ipinaliwanag ng korte na ang hatol kay Lai ay dahil siya ang napatunayan na “mastermind” at nasa likod ng foreign collusion conspiracies.

-- ADVERTISEMENT --

Pinabulaanan ni Lai, 78 anyos, isang British citizen ang mga kaso laban sa kanya, at iginiit na siya ay isang “political prisoner” na nahaharap sa persecution mula sa Beijing.