Nahalal si Senador Win Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore, kapalit ni Senadora Loren Legarda.

Nakumpleto ang quorum ngayon sa Senado kahit na wala ang mga miyembro ng Senate Minority bloc.

Maliban kasi sa 11 ng ‘Solid 11 Bloc’, present din ngayong hapon si Senador Chiz Escudero.

Si Senator Migz Zubiri, inilagay sa Committee on Rules.

Samantala, ibinalik naman si Rey Bantug bilang Senate Secretary; kapalit ng itinalaga ni Senate President Alan Peter Cayetano na si Jose Luis Montales, ang dati niyang Administrator sa Taguig.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, si PBGen. Alfredo Sotto Corpus naman ang inihalal na bagong Senate Sgt.-at-arms.

Samantala, matapos maabot ang quorum sa Senado ngayong araw kinuwestiyon ni Senate President Alan Peter Cayetano kung “binasura” na ba ang Saligang Batas.

Ang pahayag ay ginawa niya sa isang Facebook live kasunod ng hindi pagdalo ng ilang opisyal.